Pasilidad ng Saudi Aramco nasunog dahil sa drone attacks
Lumikha ng mga malalaking sunog ang magkakasunod na drone attacks sa dalawang Saudi Aramco factories sa Abqaiq at Khuris provinces sa Saudi Arabia.
Gayunman at tumanggi ang Saudi Interior Ministry na sabihin kung sa anong grupo nagmula ang serye ng drone attacks.
Hindi rin nagbibay ng detalye ang Aramco sa lawak ng pinsala dulot ng nasabing mga pag-atake na kanilang sinabi na kagagawan ng teroristang grupo.
Ang lalawigan ng Abqaiq ay may layong 60 kilometers sa Timog-Silagan ng Dhahran kung saan matatagpuan ang mga malalaking oil processing plant.
Ang Khurais naman ay kilala rin na lugar ng mga oil wells sa Saudi Arabia.
Noong nakalipas na buwan ng Hunyo at Hulyo ay nagkaroon rin ng ilang mga pag-atake sa Saudi Arabia.
Sinabi ng US na ang bansang Iran ang nasa likod ng mga naunang pag-atake bagay na itinanggi ng Tehran.
Bukod sa Iran, nauna na ring lumabas ang mga report na balak ng Yemen na maglunsad ng pag-atake sa Saudi Arabia.
Kaugnay nito ay naghigpit na ng seguridad sa ilang mga vital installation ang Saudi government para paghanda ang mga posible pang pag-atake sa nasabing bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.