Sinabi ni Sen. Christopher “Bong” Go na dapat lasunin ang mga preso na hihirit ng hospital confinement kahit na walang sakit ang mga ito.
Ito sa gitna ng lumabas na mga ulat na ilang mayayamang preso sa New Bilibid Prisons (NBP) ang nagbibigay ng pambayad sa ilang Bureau of Corrections (BuCor) officials para manatili lamang sa mga opisyal.
Sa kanyang pahayag sa pagbubukas ng Malasakit Center sa Pagadian City, sinabi ni Go na kadalasang mga sangkot sa illegal drugs ang humihirit na mailipat sa ilang pribadong ospital kahit na hindi naman grabe ang sakit ng mga ito.
Sa ganitong paraan anya ay para na rin silang nakalaya at nagagawa ng maluwag ang kanilang mga iligal na gawain.
Imbes na gamutin ay mas makabubuting saksakan na lamang sila ng lason ayon pa kay Go.
Sa pagdinig ng Senado sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law for sale modus ay lumutang rin ang iba pang katiwalian sa loob ng bilibid tulad ng pagpapasok ng ilang na kontrabando sa loob ng mga selda.
Malaya umanong nangyayari ang ilang iligal na transakyon sa loob ng bilibid dahil sa pagtanggap ng suhol ng ilang BuCor officials.