Bagyong Marilyn bahagyang humina habang papalabas ng bansa

Bahagyang humina ang Tropical Depression Marilyn habang patulok na kumikilos palabas ng bansa.

Sa 11:00 am weather bulletin ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 1,215 km Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 45 kph malapit sa gitna at pagbugso na 55 kph.

Kumikilos ito sa bilis na 10 kilometro bawat oras.

Hindi inaasahan na tatama sa kalupaan ang bagyo na maaring tuluyang humina at maging isang Low Pressure Area (LPA) na lamang.

Makararanas naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Sulu Archipelago, Palawan at Mindoro Province.

Kalat-kalat at kung minsan ay malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Bicol Region at iba pang bahagi ng MIMAROPA at Visayas.

Read more...