Pari na wanted dahil sa dami ng kaso ng pangmo-molestiya huli sa New Mexico

By Den Macaranas September 14, 2019 - 10:46 AM

AP file photo

Isang wanted na Roman Catholic priest sa bansa ang hinatulang makulong ng 30-taon sa New Mexico dahil sa sangkatutak na kaso ng pangmo-molestiya sa ilang kabataang lalaki.

Inilarawan ni U.S. District Judge Martha Vazquez na ito na ang sa pinaka-malalang kaso na kinasasangkutan ng isang pari dahil sa dami ng kanyang mga pinagsamantalahang kabataan.

Ang hinatulan ay ang 81-anyos na si Father Arthur Perrault na matagal na ring wanted sa Pilipinas dahil sa mga kaso ng pangmo-molestiya ng ilang menor-de-edad.

Si Perrault ay inaresto ng mga otoridad sa Morocco dahil sa kahalintulad na mga kaso.

Kabilang rin ang pangalan ng nasabing pari sa 70 clergy members na sa Santa Fe Archdiocese na nahaharap sa ilang kaso ng panghahalay.

Bukod sa nga kabataang lalaki, ilang mga kabataang babae rin ang lumutang sa pagdinig ng kaso at sinabing biktima rin sila ng kahalayan ni Perrault.

Inihirit rin ng mga magulang ng kanyang mga biktima na patawan siya ng parusang kamatayan dahil sa dami ng kanyang mga pinag-samantalahan.

Sinabi rin ng mga naging biktima ng naturang pari na kadalasan niyang sinasabi sa kanyang mga target na ang sexual act ay isang uri ng regalo mula sa diyos.

TAGS: Arthur Perrault, pedophile, rape, roman catholic church, sex addict, U.S. District Judge Martha Vazquez, Arthur Perrault, pedophile, rape, roman catholic church, sex addict, U.S. District Judge Martha Vazquez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.