Para mapababa ang presyo ng bigas, sinimulan na ng Department of Agriculture ang pagpapakalat ng NFA rice sa mga pamilihan.
Plano ng DA na maglabas ng 3.6 milyon na sako ng NFA rice para tapatan ang commercial rice at magkaroon ng opsyon ang mga mamimili.
Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar, nais nilang bumaba sa P27 hanggang P37 ang kada kilo ng bigas mula sa kasalukuyang P32 hanggang P50.
Kaugnay nito, inihayag ni Secretary Dar na iniimbestigahan na ng Philippine Competition Commission ang ilang mga negosyante na sangkot sa rice hoarding kaya hindi bumababa ang presyo ng bigas sa pamilihan partikular na ang mga commercial rice.
Tiniyak rin ng opisyal na sapat ng buffer ng NFA rice na tatagal ng higit sa 60 araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.