“Marilyn” magpapa-ulan pa rin habang papalabas ng bansa
Patuloy na hihilahin ng Tropical Depression na “Marilyn” ang Southwest Monsoon o Habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Huling namataan ng Pagasa ang TD Marilyn sa layong 1,150 kilometro silangang bahagi ng Basco, Batanes.
Napanatili naman ng bagyo ang lakas nito na 55 kph at pagbugsong nasa 70 kph.
Kumikilos ang bagyo ng Hilaga-Hilagang Silangan sa bilis na 10 kph at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) araw ng Linggo.
Nilinaw ng weather bureau na hindi naman direktang makaka-apekto sa bansa ang bagyo.
Makararanas naman ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog ang Visayas, Zamboanga Peninsula, Mimaropa, Bicol Region at ang probinsya ng Aurora at Quezon dahil sa Habagat.
Ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makararanas rin ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.