PACC iniimbestigahan na ang umanoy kuntsabahang ng ilang tauhan ng Bureau of Customs at ilang malalaking kompanya ng bakal na siyang dahilan kung bakit bilyong piso ang nawawala sa pamahalaan

By Ricky Brozas September 14, 2019 - 05:24 AM

Dahil sa bilyong-bilyong pisong nawawala sa gobyerno, iniimbestigahan na ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC ang umanoy sabwatan sa pagitan ng ilang tiwaling opisyal ng Bureau of Customs at ilang malalaking kumpanya ng bakal sa bansa.

Ayon kay PACC chair Dante Jimenez, literal na ninanakawan ang gobyerno dahil sa nakakapasok sa bansa ang ng mga inaangkat na mga bakal ng mga nasabing steel company kahit hindi nagbabayad ang mga ito ng tamang buwis.

Dahil sa mga tiwaling opisyal ng BOC, naitatago o underdeclared ang mga nasabing mga bakal sa siyang dahilan kung bakit malaki ang nawawala sa kaban ng bayan ayon pa kay Jimenez.

Maalalang sa senate hearing kamakailan naunang isinawalat ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na mahigit 32 Billion Pesos ang nawawala sa gobyerno dahil sa under declaration ng mga produkto na dumadaan sa BOC at malaking bahagi nito ay ang inaangkat na mga bakal ng ilang malalaking steel company.

Nakikipag ugnayan na ang PACC kay Department of Trade and Industry Ramon Lopez dahil ang DTI ang nangangasiwa sa kalakalan ng bakal sa bansa.

Bukod pa kasi sa nawawalang buwis, may pangamba na posibleng hindi pasok sa Philippine Standard ang kalidad ng mga bakal na ipinupuslit ng mga tiwaling tauhan ng BOC at ng ilang malalaking kompanya ng bakal sa bansa.

“Nakataya rito ang kaligtasan ng libu-libo nating mga kababayan,” dagdag pa ni Jimenez.

TAGS: Bureau of Customs, Department of Trade and Industry, Department of Trade and Industry Ramon Lopez, dti, pacc, PACC chair Dante Jimenez, Presidential Anti-Corruption Commission, Senador Panfilo "Ping" Lacson, Bureau of Customs, Department of Trade and Industry, Department of Trade and Industry Ramon Lopez, dti, pacc, PACC chair Dante Jimenez, Presidential Anti-Corruption Commission, Senador Panfilo "Ping" Lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.