Hindi nagdulot ng mga aksidente sa daan ang maramdamang lindol sa Metro Manila na tumama sa Burdeos, Quezon – MMDA
Walang naitalang na pinsalang mga gusli ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa buong Metro Manila matapos maramdaman ang 5.5 magnitude na lindol na tumama sa bayan ng Burdeos, Quezon, bandang alas-4:28, Biyernes ng hapon.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay MMDA Spokeperson Celine Pialago, agad nilang i-nactivate ang Metro Manila Private Monitoring Management Center (MMPMMC) para mamonitor ang sitwasyon ng traffic katuwang ang mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila.
“Wala naman sir and that’s good news to us, pero we’re still waiting for report kung mayroon pa kasi po activated pa rin naman po yung ating monitoring center” pahayag ni Asec. Pialago.
Ayon kay Pialago na wala naman naidulot ang nasabing pagyanig ng mga aksidente sa daan, lalo na sa kahabaan ng EDSA, maliban sa pansamantalang pagpatigil ng operasyon ng MRT-3.
Kaya agad naman aniya naglabas ng dalawang military truck ang MMDA para magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng MRT-3 at iba pang mga tao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.