COMELEC, ipagtatanggol ang sarili sa Korte Suprema

By Kathleen Betina Aenlle January 06, 2016 - 03:11 AM

 

Inquirer file photo

Walang magagawa ngayon ang Commission on Elections (COMELEC) kundi gamitin ang kanilang sariling pwersa para idepensa sa Korte Suprema ang pag-diskwalipika nila sa certificate of candidacy sa pagkapangulo ni Sen. Grace Poe.

Ayon kay COMELEC Chair Andres Bautista, sanay naman sila sa “sariling sikap” kaya’t ihahanda na nila ang kanilang mga argumento.

Ito rin ay dahil kamakailan lang, naglabas ng komento ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema hinggil sa pagkwestyon ni Rizalito David sa desisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) sa pagiging natural born citizen ni Poe.

Pumanig ang OSG sa ruling ng SET, at ipinabasura sa Korte Suprema ang petisyong ito ni David kaugnay umano sa grave discretion ng SET sa nasabing inilabas na desisyon.

Dahil sa magkaibang posisyon sa isyu, hindi na maaring kumatawan ang OSG sa COMELEC.

Aminado si Bautista na nagulat sila sa katayuan ng OSG sa isyu, ngunit hindi naman aniya nila masisisi ang mga ito.

Samantala, naghain na rin ng mosyon ang COMELEC sa korte na mas paagahin ang oral argument na una nang itinakda sa January 19, at gawin na lamang itong January 14 para mabigyan pa sila ng mas mahaba-habang panahon sa pagsasa-pinal ng balota.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.