Pamunuan ng Marikina, nais magsampa ng kaso laban sa mga taong nagtapon ng mga patay na baboy na narekober sa Marikina River
Gustong linawagin ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro na hindi galing sa Marikina ang mga patay na baboy na nakitang palutang lutang sa Marikina River.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Mayor Teodoro, sinabi nito na walang piggery o hog raiser at wala ring slaughterhouse sa kanyang lungsod.
Ayon sa Alkalde na 2003 pa nilang ipinagbawal ang ang pag-alaga ng mga baboy sa bakuran o backyard piggery sa lungsod ng Marikina dahil maraming nagrereklamo kaugnay sa sanitation.
Hinala ng alkalde na maaaring galing sa Rodriguez at San Mateo, Rizal ang mga naanod na patay na baboy sa ilog ng Marikina.
Sinabi nito na gumagawa na sila ng imbesdtigasyon para matukoy ang pinagmulan ng mga patay na baboy.
Iginit ni Mayor Teodoro na kailangan na may managot sa maling pag dispose sa mga patay na baboy, dahil mayroon aniya proper disposal para sa mga patay na hayop.
Pahayag pa niya na umabot na ng 55 na mga patay na baboy ang narekober mula sa Marikina River na pinangangabahang apketado ng African Swine Fever (ASF).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.