Road repair at reblocking, isasagawa sa ilang kalsada sa Metro Manila
Ipagpapatuloy ang repair at reblocking sa ilang kalsada sa Metro Manila simula Biyernes ng gabi, September 13.
Sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH), magsisimulang isara ang ilang kalsada para ayusin bandang 11:00, Biyernes ng gabi.
Narito ang listahan ng mga aayusing kalsada sa bahagi ng EDSA
Southbound:
– Bansalangin hanggang North Avenue (U-Turn Slot), ikalimang lane mula sa sidewalk
– Magallanes-Baclaran Bus Stop hanggang Magallanes-Alabang Bus Stop, outer lane
Northbound:
– Main Avenue hanggang P. Tuazon tunnel, unang lane mula sa sidewalk.
Apektado rin ng road repair ang ilang bahagi ng Circumferential Road 5 (C5) malapit sa Market Market at northbound direction ng Katipunan Avenue/C5 after C.P. Garcia Street, truck lane.
Sa Quezon City naman, isasara rin ang mga sumusunod na kalsada:
– A. Bonifacio Avenue, malapit sa Selecta Drive, unang lane mula sa sidewalk
– Batasan/San Mateo Road, sa harap ng Petron, unang lane mula sa center island
– eastbound directions ng Quirino Highway mula Salvia Street hanggang bago mag-Belfast Road, outer lane
Aayusin din ang Elliptical Road, pagkatapos ng Maharlika Street, ikawalong lane mula sa outer sidewalk at westbound direction ng General Luis Street, mula Rebisco Road hanggang SB Diversion Road.
Muli namang madaraanan ang mga nasabing kalsada simula 5:00, Lunes ng madaling-araw (September 16).
Apektado rin ang southbound direction ng Taguig City, sa harap ng Palar Village.
Pinayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta para hindi maabala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.