Kaligtasan ng 2.2 milyong OFW sa Middle East, nalalagay sa alanganin

By Jay Dones January 06, 2016 - 03:39 AM

 

Inquirer file photo/AP

May posibilidad na maapektuhan ng tumitinding sigalot sa pagitan ng Saudia Arabia at Iran ang may 2.2 milyong Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary  at dating Saudi Arabia ambassador Rafael Seguis, ito ang dahilan kaya’t bumubuo na sila ng mga kaukulang paghahanda sakaling patuloy na tumaas ang tensyon sa naturang rehiyon.

Nagpapatuloy ang pag-igting ng sigalot sa pagitan ng dalawang bansa makaraang bitayin ng Saudi ang isang Shiite cleric at ang pagganti naman ng mga nagpoprotesta  sa pamamagitan ng pagsalakay sa embahada ng Saudi sa Tehran.

Matagal na ang hidwaan sa pagitan ng dalawang bansa na may magkaibang Islam na paniniwala.

Ang mga Saud  ay Sunni samantalang ang Iran naman ay Shia.

Ayon sa DFA, nasa 800,000 OFW ang nagtatrabaho sa Saudi Arabia samantalang nasa 4,000 naman ang nasa Iran.

Dahil sa tumitinding sitwasyon, nakatakdang magpatawag ng pulong ngayong hapon si Pangulong Benigno Aquino III upang talakayin ang Middle East crisis.

Una nang tiniyak ng pamahalaan na may nakahanda itong mga hakbang upang tulungan ang mga OFW na maapektuhan saklaing lalong tumindi ang sitwasyon sa rehiyon.

Sapat din aniya ang mga karampatang pondo ng gobyerno upang ayudahan ang mga Pinoy sa Saudi at Iran.

Sa kasalukuyan, hindi pa nagtataas ng alert level o travel restriction ang DFA sa dalawang bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.