Panggabing klase sa ilang lugar, sinuspinde matapos ang lindol

By Angellic Jordan September 13, 2019 - 07:16 PM

(UPDATED) Suspendido ang panggabing klase sa Taguig City at Quezon City matapos ang tumamang 5.3 magnitude na lindol sa Quezon.

Ito ay kasunod ng abiso ng Phivolcs sa posibleng maitalang aftershocks matapos ang malakas na lindol.

Apektado ng suspensyon ang lahat ng panggabi klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan, araw ng Biyernes (September 13).

Samantala, nag-anunsiyo rin ng suspensyon ng klase ang mga sumusunod na unibersidad:
– Polytechnic University of the Philippines – National Capital Region (PUP-NCR), kasama ang trabaho ng mga empleyado
– University of Santo Tomas, kasama ang trabaho ng mga empleyado
– Malayan Colleges Laguna, kasama ang trabaho ng mga empleyado
– Far Eastern University Manila
– Far Eastern University Makati
– De La Salle University sa Manila, Makati at Bonifacio Global City
– University of the Easy Caloocan at Manila
– Technological Institute of the Philippines sa Quezon City at Manila
– San Beda University
– University of the Philippines – Diliman
– Ateneo de Manila University

Yumanig ang 5.3 magnitude na lindol sa Burdeos, Quezon bandang 4:28 ng hapon.

Naramdaman ang pagyanig sa iba’t ibang lugar sa Luzon kasama ang Metro Manila.

I-refresh ang page na ito para sa pinakahuling update sa mga sinuspindeng klase.

TAGS: burdeos, class suspension, magnitude 5.5 na lindol, PUP, Quezon, Taguig City, burdeos, class suspension, magnitude 5.5 na lindol, PUP, Quezon, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.