14 patay na baboy, nakitang palutang-lutang sa Marikina River

Nakitang palutang-lutang ang nasa 14 patay na baboy sa Marikina River, Biyernes ng tanghali.

Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, pasado 12:00 ng tanghali nang maiulat sa kaniyang tanggapan ang natagpuang mga patay na baboy.

Ayon sa alkalde, bumaba ang lebel ng tubig sa Marikina River kung kaya’t lumutang ang mga ito.

Noong araw ng Huwebes, September 16, unang nakuha ang 16 na patay na baboy sa bahagi ng Bayabas Street sa Barangay Nangka.

Ayon kay Teodoro, isa sa mga nasabing baboy ay isinailalim sa pagsusuri ng Bureau of Animal Industry ng Department of Agriculture (DA-BAI).

Giit ni Teodoro, walang slaughterhouse at wala ring piggery sa lungsod kaya posibleng mula aniya ito sa bahagi ng Rizal at naanod lamang sa kanilang lugar.

Umabot na sa 55 na patay na baboy ang narekober sa kahabaan ng Marikina River na pinangangambahang apektado ng African Swine Fever (ASF).

Read more...