DOTr, makakakilos kahit walang emergency powers – Sen. Poe
Inihayag ni Senator Grace Poe na makakaya naman ng Department of Transportation (DOTr) na gampanan ang mga mandato nito kahit walang emergency powers.
Binanggit nito ang pagbili ng milyun-milyong pisong halaga ng spare parts ng Metro Rail Transit (MRT) sa pamamagitan ng direct contracting at negotiated procurement.
Aniya, walang nangyaring bidding sa mga emergency procurement.
Diin ng senadora, napakahalaga rin na may regular na pag-uugnayan ang mga ahensiya na may kinalaman sa transportasyon, ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mga lokal na pamahalaan at concerned stakeholders para malaman ng isa kung ano ang balakin ng iba para maibsan ang kondisyon ng trapiko sa mga lansangan.
Aniya, hindi ang kakulangan ng kapangyarihan ang isyu kundi ang kawalan ng traffic master plan at kulang na agresibong mga hakbang sa panig ng DOTr.
Katuwiran pa ni Poe, maaring ibigay nila ang lahat ng kapangyarihan ng hinihingi ngunit kung walang master plan, sa dakong huli ay magsasayang lang ng pera at walang solusyon na magagawa.
Paglilinaw pa ni Poe, hindi niya hinaharang ang pagkakaroon ng emergency powers at aniya, isang boto lang naman siya sa Senado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.