Paglapag ng military aircraft ng China sa mga Spratlys, pinangangambahan

 

Mischief-Reef
Inquirer file photo

Ngayong nagawa nang makalapag ng civilian plane sa artificial islands na ginawa ng China sa West Philippines Sea, posibleng mga military aircraft na nito ang susunod na lumapag doon.

Ito ang pangamba ng mga eksperto at analysts sa pinakahuling hakbang ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippines Sea o South China Sea.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, malaki ang posibilidad na tuluyang makontrol na ang China ang kabuuan ng South China Sea.

Sa oras na ito’y mangyari, maapektuhan na ng todo ang freedom of navigation at freedom of overflight sa rehiyon.

Samantala, patuloy namang nananawagan ang US State Department na itigil ng China ang land reclamation at militarization sa rehiyon dahil lalo nitong pinapataas ang tensyon at ginugulo ang regional stability sa rehiyon.

Una nang kinumpirma ng Vietnam, na isa rin sa mga bansang umaangkin sa ilang mga isla sa rehiyon na isang civilian aircraft ng China ang lumpag sa isa sa mga artificial island sa Spratlys noong January 2.

Dahil dito, naghain na ng diplomatic protest ang Vietnam .

Balak na ring maghain ng kahalintulad na protesta ng PIlipinas sa pinakahuling hakbang na ito ng China.

Read more...