Bilang ng mga sumukong GCTA beneficiaries umabot na sa mahigit 300 – PNP

By Angellic Jordan September 13, 2019 - 05:16 PM

Umabot na sa mahigit 300 ang bilang ng mga sumukong convict na sangkot sa mga karumal-dumal na krimen.

Sa huling tala ng Philippine National Police (PNP) hanggang 6:00, Biyernes ng umaga (September 13), nasa 353 na ang mga sumukong convict sa iba’t ibang police office sa bansa.

Sa nasabing bilang, 115 rito ay may kasong murder, 108 ang may kasong rape, 32 sa robbery with homicide, 20 sa homicide, 16 ang may kasong may kaugnayan sa droga habang 13 naman ang rape with homicide.

Samantala, nasa 234 convicts na ang nai-turnover ng PNP sa Bureau of Corrections (BuCor).

Matatandaang binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga napalayang convict sa karumal-dumal na krimen nang 15 araw para sumuko sa mga otoridad.

Maagang napalaya ang mga convict sa bisa ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).

TAGS: Bureau of Corrections, GCTA beneficiaries, PNP, Republic Act 10592, Umabot na sa 353 ang sumuko, Bureau of Corrections, GCTA beneficiaries, PNP, Republic Act 10592, Umabot na sa 353 ang sumuko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.