Barangay chairman sa Cagayan, patay sa pamamaril

By Angellic Jordan September 13, 2019 - 04:18 PM

Dead-on-arrival nang itakbo sa ospital ang isang barangay chairman sa probinsya ng Cagayan, Biyernes ng umaga.

Ayon kay Police Capt. Sharon Mallillin, tagapagsalita ng Cagayan provincial police, nasawi ang biktimang si Remegio Dela Cruz matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa bayan ng Tuao.

Ang 60-anyos na biktima ay barangay chairman ng Barangay Bugnay sa nasabing lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, minamaneho ni Dela Cruz ang kaniyang sasakyan nang biglang pagbabarilin bandang 8:45 ng umaga.

Sa ngayon, hindi pa kilala ang mga nasa likod ng pamamaril.

Patuloy ding inaalam ang motibo sa likod ng pananambang.

TAGS: Bugnay barangay chairman Remegio Dela Cruz, Cagayan, pinagbabaril, riding in tandem, Bugnay barangay chairman Remegio Dela Cruz, Cagayan, pinagbabaril, riding in tandem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.