Ban sa pagpasok ng baboy at iba pang uri ng meat products ipinatupad sa Misamis Oriental
Ipinatupad na sa Misamis Oriental ang pagbabawal sa pagpasok ng baboy at iba pang uri ng meat products mula sa mga lugar na apektado ng African Swine Fever (ASF).
Sa inilabas na Executive Order 2019-13, araw ng Huwebes, ipinag-utos ni Misamis Oriental Governor Yevgeny Vicente Emano ang pagbuo ng task force na tututok sa implementasyon ng ban.
Ani Emano, layon nitong maprotektakan ang swine industry ng probinsya.
Maaalis aniya ang kautuan oras na ideklara ng Bureau of Animal Industry (BAI) na wala nang ASF sa Rizal at Bulacan.
Ipinag-utos din ni Emano sa mga alkalde sa probinsya na agad i-report ang mga hindi pangkaraniwang pagkamatay ng baboy sa kanilang veterinary office.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.