Mariel Rodriguez, lumipad na patungong Amerika bago isalang ang ikalawang anak

By Angellic Jordan September 13, 2019 - 03:50 PM

Tumulak na ang television host na si Mariel Rodriguez patungong Amerika para ipanganak ang kanilang second baby ni Robin Padilla.

Sa Instagram, nag-post ng larawan si Mariel kasama sina Robin at dalawang taong gulang na anak na si Isabella sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Aniya, ginagawa nila ito para ibigay ang makakabuti sa kanilang anak.

Kasama ni Mariel sa biyahe si Isabella habang hindi naman nabanggit kung bakit hindi kasama si Robin.

Nagpasalamat naman si Mariel kay Robin para sa kanilang biyahe.

Tiniyak pa nito na makakasama na nila pabalik ng Pilipinas si Gabriela.

Matatandaang isinilang ni Mariel ang kanilang unang anak ni Robin taong 2016.

TAGS: bago isalang ang ikalawang anak, Isabella, lumipad na patungong Amerika, Mariel Rodriguez, Robin Padilla, bago isalang ang ikalawang anak, Isabella, lumipad na patungong Amerika, Mariel Rodriguez, Robin Padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.