Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, patuloy na uulanin

By Angellic Jordan September 13, 2019 - 03:32 PM

Asahan na patuloy na makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 2:27 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Rizal, Zambales, Batangas, Laguna, Pampanga at Tarlac.

Mararamdaman ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Maliban sa mga nabanggit na lugar, apektado rin ang bahagi ng Tagkawayan sa Quezon.

Inabisuhan naman ang mga residente sa mga nasabing lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

TAGS: ilang lugar sa Luzon, Metro Manila, Pagasa, patuloy na uulanin, thunderstorm advisory, ilang lugar sa Luzon, Metro Manila, Pagasa, patuloy na uulanin, thunderstorm advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.