BREAKING: Panukalang magpapababa sa corporate income tax pasado na sa Kamara

By Erwin Aguilon September 13, 2019 - 03:22 PM

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang Corporate Income Tax and Incentive Reform (CITIRA) Bill na layuning bawasan ang corporate income tax rate para makalikom ng dagdag na kita ang gobyerno.

Sa botong 170 YES, 8 NO at 6 ABSTAIN pumasa ang House Bill 4157 na naglalayong amyendahan ang ilang probisyon ng National Internal Revenue Code.

Sa ilalim ng CITIRA, ibababa sa 20% ang corporate income tax ng mga kumpanya mula sa kasalukuyang 30%.

Sisimulan ang pagbabawas sa corporate income tax na 2% sa kada dalawang taon simula January 2021 hanggang sa tuluyang umabot sa 20% ang pagbaba sa corporate income tax sa taong 2029.

Ipapatupad din ang rationalization ng mga fiscal incentives na ibinibigay sa mga negosyo na nais gawing performance-based, targeted, time-bound at transparent.

Sa inaprubahang panukala ang mga negosyo sa Metro Manila ay magkakaroon ng tatlong taong income tax holiday (ITH) at karagdagang dalawang taong incentives.

Ang mga negosyo naman na nasa labas ng Metro Manila ay magkakaroon ng apat na taong ITH at karagdagang tatlong taong tax exemptions.

Ang mga negosyo naman sa mga rehiyon na malayo sa Metro Manila ay bibigyan ng anim na taong ITH at apat na taong karagdagang tax perks.

Tiinitiyak naman ni Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House Appropriations Committee at pangunahing may akda ng panukala na ang insentibo ay ibibigay sa mga karapat-dapat na negosyo at sa mga nagsisimula pa lamang na lumagong negosyo.

Layunin din ayon kay Salceda ng pagbababa sa corporate income tax na makapanghikayat din ng mga mamumuhunan na magiging daan din para sa dagdag na trabaho sa mga Pilipino.

TAGS: Corporate Income Tax and Incentive Reform (CITIRA) Bill, House Bill 4157, income tax holiday (ITH), Kamara, Corporate Income Tax and Incentive Reform (CITIRA) Bill, House Bill 4157, income tax holiday (ITH), Kamara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.