Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente apat na puganteng Chinese nationals lang ang kanilang pakay ngunit nadiskubre nila na marami ang ilegal na nagtatrabaho.
Ang apat aniya ay pugante sa China dahil sa economic crimes at umabot sa 277 ang kanilang naaresto.
Kanselado na ang pasaporte ng mga hinuli kayat itinuturing na silang undocumented aliens.
Sangkot sila sa large scale fraud at investment scams sa China.
Ikinasa ang operasyon sa pakikipagtungan sa Chinese Embassy, PNP at Presidential Anti Corruption Commission.
Nakakulong ngayon ang mga naaresto sa Immigration Detention Facility sa Taguig City at inihahanda na ang pagpapalayas sa kanila sa bansa.