Mahigit 200 Chinese workers arestado sa raid sa Pasig City

By Jan Escosio September 13, 2019 - 02:16 PM

Sinalakay ng Bureau of Immigration (BI) ang isang gusali sa Ortigas Center sa Pasig City at aksidenteng nadiskubre ang isang illegal online operation.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente apat na puganteng Chinese nationals lang ang kanilang pakay ngunit nadiskubre nila na marami ang ilegal na nagtatrabaho.

Ang apat aniya ay pugante sa China dahil sa economic crimes at umabot sa 277 ang kanilang naaresto.

Kanselado na ang pasaporte ng mga hinuli kayat itinuturing na silang undocumented aliens.

Sangkot sila sa large scale fraud at investment scams sa China.

Ikinasa ang operasyon sa pakikipagtungan sa Chinese Embassy, PNP at Presidential Anti Corruption Commission.

Nakakulong ngayon ang mga naaresto sa Immigration Detention Facility sa Taguig City at inihahanda na ang pagpapalayas sa kanila sa bansa.

TAGS: BI, Chinese embassy, Immigration Commissioner Jaime Morente, isang gusali sa Ortigas Center, Mahigit 200 Chinese workers, PNP at Presidential Anti Corruption Commission, raid sa Pasig City, BI, Chinese embassy, Immigration Commissioner Jaime Morente, isang gusali sa Ortigas Center, Mahigit 200 Chinese workers, PNP at Presidential Anti Corruption Commission, raid sa Pasig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.