Nationwide transport strike ikinakasa ng ilang transport groups sa September 30
Itinakda ng ilang transport group sa pangunguna ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) ang tigil-pasada sa buong bansa sa katapusan ng buwan.
Sinabi ni ACTO President Efren de Luna, na ang tigil pasada ay bilang protesta sa planong phase-out sa mga jeepney na magsisimula sa susunod na taon.
Base sa mandato ng gobyerno, ang mga lumang jeepney ay papalitan ng mga modernong sasakyan simula July 2020.
Ayon kay De Luna, hindi kakayanin ng mga jeepney driver at operation ang bagong modelong sasakyan na nagkakahalaga ng P2.5 milyon ang bawat isa.
Paglilinaw ng ACTO President, hindi naman sila tutol sa jeepney modernization dahil ang tinutulan nila ay ang implementasyon nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.