181 na inaresto sa hinihinalang illegal online gambling sa Lapu-Lapu City pinalaya ng korte sa kawalan ng ebidensya

By Jimmy Tamayo September 13, 2019 - 01:50 PM

Pinakawalan na ang nasa 181 na Chinese na naaresto sa alegasyon na sangkot sa illegal online gambling operations sa Lapu-Lapu City.

Ang mga Chinese na kawani ng Xin Juang Jin Cheng Limited incorporated, isang Costumer Relations Service Provider ay pinagdadampot makaraang salakayin ang kanilang tanggapan noong nakaraang sabado (September 7) dahil sa bintang ng illegal online gambling.

Ang pagpapalaya sa mga dayuhan ay iniutos ng Lapu-Lapu City Prosecutor’s Office sa kawalan umano ng sapat na ebidensya.

Inatasan din ng korte ang CIDG region 7 na magsumite ng kaukulang ebidensya laban sa mga Chinese at iniutos ang isang preliminary investigation sa halip na isang sa inquest proceedings ang mga dayuhan.

Nanindigan ang CIDG 7 na legal ang pagsalakay nila sa establisyimento at wala anilang maipakitang dokumento na magpapatunay na legal ang kanilang operasyon.

TAGS: chinese, CIDG 7, illegal online Gambling, Lapu-Lapu City Prosecutor’s Office, Xin Juang Jin Cheng Limited incorporated, chinese, CIDG 7, illegal online Gambling, Lapu-Lapu City Prosecutor’s Office, Xin Juang Jin Cheng Limited incorporated

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.