Mga namamatay na baboy kokolektahin at ililibing ng DA

By Jan Escosio September 13, 2019 - 01:14 PM

Nanawagan si Agriculture Secretary William Dar sa mga nag-aalaga ng mga baboy na agad makipag-ugnayan sa kanila kung ang kanilang mga alaga ay may sakit o namatay.

Ayon kay Dar ang mga hog raisers ay maaring lumapit sa Bureau of Animal Industry (BAI), National Meat Inspection Service (NMIS), maging sa mga local veterinary office para sa nararapat na gawin sa mga may sakit o namatay na baboy.

Aniya sila ang hahakot at magdedesisyon kung ano ang gagawin sa mga namatay na baboy.

Sinabi din ni Dar na banta sa kalusugan at maaring kumalat pa ang virus ng African Swine Fever kung ang mga patay na baboy ay ipapaanod sa ilog o basta na lamang ililibing.

Pinansin pa ng kalihim na may mga hog raisers na hindi iniulat ang pagkamatay ng kanilang mga alagang baboy at sila na lang ang dumidiskarte para itago ang pangyayari.

 

TAGS: Agriculture Secretary William Dar, ASF, Bureau of Animal Industry (BAI), local veterinary office, National Meat Inspection Service, Agriculture Secretary William Dar, ASF, Bureau of Animal Industry (BAI), local veterinary office, National Meat Inspection Service

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.