East Avenue hospital nais ni Sen. Francis Tolentino na maging specialty hospital para sa mga guro
Ipinanukala ni Senator Francis Tolentino na maging specialty hospital para sa mga guro ang East Avenue Medical Center.
Inihain ni Tolentino ang Senate Bill No. 210 o ang National Teachers Medical Center Act, na layon makapagpatayo ng isang ospital kung saan libreng makakapagpagamot ang mga guro maging ang kanilang pamilya.
Sa kanyang panukala ang East Avenue Medical Center ay gagawing National Teachers Medical Center.
Dagdag pa ng senador ang mga regional hospitals naman ng DOH ay kailangan magtalaga ng special wards na may paunang 50-bed capacity para sa mga guro na kailangan ng serbisyong-medikal.
Pagdidiin nito dahil sa bigat ng kanilang trabaho madalas tamaan ng mga sakit gaya ng pharyngitis, hypertension, anemia, hyperacidity at maging stress ang mga guro.
Aniya ang kanyang panukala ay pagkilala lang sa kontribusyon ng mga guro sa pagtaguyod sa bansa.
Nabatid na maging ang mga retiradong guro na nakalagsilbi ng 10 taon ay maaari din mabigyan ng libreng serbisyong medikal sa mga ospital na magkakaroon ng specialty ward para sa mga teacher.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.