Rice Tariffication Law idinepensa ni Rep. Salceda
Dumepensa si House Ways and Means Committee chairman Joey Salceda sa magandang dulot sa bansa ang pagkakaroon ng Rice Tariffication Law (RTL).
Ito ay kahit pa aniya nagsulputan kamakailan ang mga structural anomalies sa naturang batas kasunod nang pagbaba ng farmgate price ng palay dahil sa manipulasyon ng mga rice cartel.
Aminado naman si Salceda na isa sa mga aniya’y unintended consequence ng RTL ang paglakas ng bargaining position ng mga rice traders, iginiit naman nito na hindi naman kaagad dapat ibasura ang naturang batas.
Kaya nananawagan ang kongresista sa Department of Justice (DoJ) at Department of Trade and Industry (DTI), katuwang ang iba pang ahensya gaya ng Philippine Competition Commission, na panagutin ang mga rice trades na nagsasamantala sa RTL.
Maari aniyang habulin ang mga ito at kasuhan ng economic sabotage, profiteering at price manipulation.
Ayon kay Salceda, maaring igiit ng DTI ang Executive Order No. 913 na nagbibigay sa ahensya ng adjudicatory powers para maprotekahan ang mga consumers laban sa mga abusadong traders.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.