Sumukong GCTA beneficiaries nasa BuCor na

By Jan Escosio September 13, 2019 - 12:10 PM

Balik kustodiya ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 323 dating preso na maagang napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance o GCTA law.

Ito ang sinabi ni acting Bucor Chief Ramon Buenafe at aniya marami sa mga sumuko ay mula sa Cagayan Valley Region o Region 2.

Sa ngayon ayon kay Buenafe nasa isolation quarter ang mga sumuko dahil aniya hindi naman nila maaring ibalik ang mga ito kung saan security compound sila sa Bilibid huling nakulong.

Dagdag pa ng opisyal ito ang magiging sitwasyon hanggang hindi nagkakaroon ng linaw ang ibinunyag na GCTA for sale.

Dagdag pa ni Buenafe sa ngayon ay tinutulungan na lang sila ng PNP na maibalik sa pangangalaga ng Bucor ang lahat ng mga sumusuko dahil kulang naman ang kanilang mga sasakyan para ibiyahe ang mga ito pabalik ng Bilibid.

Marami sa mga sumuko ay nakulong dahil rape at murder.

Ang mga dating preso ay binigyan ni Pangulong Duterte ng kalahating buwan para sumuko at kung hindi sila ay aarestuhin na ng pulis.

TAGS: 323 dating preso, acting Bucor Chief Ramon Buenafe, bucor, GCTA beneficiaries, nasa isolation quarter, 323 dating preso, acting Bucor Chief Ramon Buenafe, bucor, GCTA beneficiaries, nasa isolation quarter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.