Anomalya sa TESDA posibleng dahilan ng budget cut ayon kay Minority Leader Abante

By Erwin Aguilon September 13, 2019 - 12:05 PM

Naniniwala si House Minority Leader Benny Abante na posibleng sa mga kinasangkutang anomalya sa TESDA ang dahilan kaya tinapyasan ito ng pondo sa 2020 ng Department of Budget and Management (DBM).

Sa budget deliberation sa plenaryo, tinukoy ni Abante ang 2018 Commission on Audit (COA) report na may P201 Million total accumulated fund sa ilalim ng development fund para sa training at assistance.

Napuna din ng mambabatas sa COA report ng TESDA ang partnership nito sa AMA University and Colleges kaugnay sa P10 Million training programs na may kwestyunableng scholars, teachers at training centers.

Nangangamba naman si ACT Teachers Rep. France Castro sa budget cut ng ahensya na tiyak na makakaapekto sa mandato nito na tulungan ang mga indigent ang mga rebel returnees.

Sa 2020, walang pondo na inilaan para sa Tulong Trabaho Act para sa libreng access sa technical-vocational education.

Bumaba naman sa 6% ang pondo ng TESDA sa P11.85 Billion mula sa orihinal na isinusulong na budget na P19.9 Billion.

TAGS: 2018 Commission on Audit (COA) report, ACT Teachers Rep. France Castro, Anomalya sa TESDA, budget cut, budget deliberation sa plenaryo, House Minority Leader Benny Abante, P201 Million total accumulated fund sa ilalim ng development fund, Tesda, 2018 Commission on Audit (COA) report, ACT Teachers Rep. France Castro, Anomalya sa TESDA, budget cut, budget deliberation sa plenaryo, House Minority Leader Benny Abante, P201 Million total accumulated fund sa ilalim ng development fund, Tesda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.