Ayon sa Magdalo, maliwanag ang itinatakda sa Prosecution Service Act na walang kapangyarihan ang Kalihim ng DOJ na direktang aksiyunan ang alinmang reklamo na hindi sangkot ang krimen laban sa pambansang seguridad o national security.
Nangangahulugan anila ito na maging ang prosecution panel ay walang otoridad na magsagawa ng preliminary investigation sa kanilang kaso.
Layon din anila ng petisyon na harangin ang “unofficial” excursion o pakikisawsaw ng Office of the Solicitor General sa kaso.
Binanggit ng mga petitioner na alinsunod sa Presidential Decree 478 at Administrative Code, na ang OSG ay magsisilbing appellate counsel ng pamahalanaan sa mga kasong kriminal.
Nilinaw ng mga petitioner na ang otoridad ng OSG ay limitado lamang sa pagkatawan sa gobyerno sa mga criminal proceeding sa Court of Appeals at sa Korte Suprema.
Ayon sa Magdalo, maliwanag na ginagamit ng administrasyon ang dalawang ahensya sa political persecution, gipitin at harasin ang mga kritiko, taliwas sa isinasaad sa Prosecution Service Act, P.D. 478 at Administrative Code.
Ayon kay Alejano, marapat na kumilos ang appellate court upang matigil ang lantarang pagbalewala ng administrasyon sa batas.