Pagdinig ng DOJ sa kasong sedition, pinapipigil ng Magdalo sa Court of Appeals

By Ricky Brozas September 13, 2019 - 11:29 AM

Dumulog sa Court of Appeals si dating Magdalo Representative Gary Alejano at Jonnel Sangalang upang mapigilan ang Department of Justice (DoJ) panel of prosecutors sa pagsasagawa ng preliminary investigation sa kinakaharap na kasong sedition sa DOJ.

Ayon sa Magdalo, maliwanag ang itinatakda sa Prosecution Service Act na walang kapangyarihan ang Kalihim ng DOJ na direktang aksiyunan ang alinmang reklamo na hindi sangkot ang krimen laban sa pambansang seguridad o national security.

Nangangahulugan anila ito na maging ang prosecution panel ay walang otoridad na magsagawa ng preliminary investigation sa kanilang kaso.

Layon din anila ng petisyon na harangin ang “unofficial” excursion o pakikisawsaw ng Office of the Solicitor General sa kaso.

Binanggit ng mga petitioner na alinsunod sa Presidential Decree 478 at Administrative Code, na ang OSG ay magsisilbing appellate counsel ng pamahalanaan sa mga kasong kriminal.

Nilinaw ng mga petitioner na ang otoridad ng OSG ay limitado lamang sa pagkatawan sa gobyerno sa mga criminal proceeding sa Court of Appeals at sa Korte Suprema.

Ayon sa Magdalo, maliwanag na ginagamit ng administrasyon ang dalawang ahensya sa political persecution, gipitin at harasin ang mga kritiko, taliwas sa isinasaad sa Prosecution Service Act, P.D. 478 at Administrative Code.

Ayon kay Alejano, marapat na kumilos ang appellate court upang matigil ang lantarang pagbalewala ng administrasyon sa batas.

TAGS: court of appeals, DOJ, kasong sedition, magdalo, Magdalo Representative Gary Alejano at Jonnel Sangalang, P.D. 478 at Administrative Code., Prosecution Service Act, court of appeals, DOJ, kasong sedition, magdalo, Magdalo Representative Gary Alejano at Jonnel Sangalang, P.D. 478 at Administrative Code., Prosecution Service Act

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.