Rescue operations isinasagawa sa binahang barangay sa Zamboanga City

Nagsagawa na ng rescue operations ang Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Office sa ilang lugar sa lungsod na binaha bunsod ng tuluy-tuloy na pag-ulan.

Katuwang ng CDRRMO response team ang Task Force Zamboanga, PNP Mobile Group, Philippine Coast Guard at BDRRMC.

Isinagawa ang rescue operations sa Caridad Murga drive sa Barangay Tumaga dahil sa pagbaha.

Nanawagan naman si Mayor Beng Climaco sa mga residente sa paligid ng river banks at sa mga nakatira sa low lying areas na magtungo na sa ligtas na lugar.

Umabot na kasi sa critical level ang antas ng tubig sa Pasonanca diversionary dam dahilan kaya umapaw ang tubig sa ilog.

Samantala, sinuspinde na ang biyahe ng mga sasakyang pandagat patungong Basilan.

Read more...