Estudyante  patay matapos mahulog sa gusali habang  nagsi-‘selfie’

By Jay Dones January 06, 2016 - 12:53 AM

 

Mula sa google

Agad na nasawi ang isang 19-anyos na Masscom student makaraang mahulog ito sa roofdeck ng isang 20-palapag na condominium unit habang nagsi-‘selfie’ sa Ermita, Maynila Martes ng gabi.

Ayon kay PO3 Al Layugan ng Manila Police District Homicide section, nakilala ang nasawing biktima na si Cristina Marie Pagalilauan, estudyante ng Adamson University.

Sa salaysay ng kaibigan ng biktima na si Jonea Mildred Ani, mula sa eskwelahan, nagtungo sila ng biktima sa condo unit ng boyfriend nito sa Dahlia Tower Suntrust Parkview Condominium sa Natividad St., upang mag-kulay ng buhok.

Gayunman, nagbago ang kanilang plano nang maisipan nilang kumuha ng mga ‘selfie pics’ sa roofdeck ng 20-palapag na condominium building.

Hindi pa aniya umano nakuntento ang biktima sa kanilang mga nakuhang mga larawan kaya’t nagpasya ito na akyatin ang pader sa tuktok ng gusali upang magamit bilang background ang pagbaba ng araw o ‘sunset’.

Giit pa ni Ani, ilang ulit niyang pinigilan ang kanyang kaibigan ngunit nagpumilit ito na umakyat at umupo sa pader upang kumuha ng kanyang sariling larawan.

Nagulat na lamang ito nang makitang nawalan na ng balanse ang biktima at tuluyang nahulog sa kanyang kamatayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.