Orange warning itinaas ng PAGASA sa ilang lugar sa Mindanao
Nakataas ang orange rainfall warning sa ilang lugar sa Mindanao dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Habagat.
Sa rainfall warning na ipinalabas ng PAGASA alas 8:25 ng umaga ng Biyernes, Sept. 13 orange warning level ang umiiral sa Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Zamboanga City, Basilan, at Sulu.
Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa bulubunduking lugar.
Samantala, yellow warning naman ang nakataas sa Zamboanga del Sur at Tawi-Tawi.
Makararanas din ng katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Camiguin, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao de lSur, Maguindanao, North Cotabato, South Cotabato, at Sarangani.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.