Driver ni dating Pangasinan governor Amado Espino Jr., pumanaw na

By Rose Cabrales September 13, 2019 - 09:50 AM

Pumanaw na ang driver ni dating Pangasinan governor at congressman Amado Espino Jr., ala-6 ng hapon ng Huwebes (September 12) .

Nagtamo ng tama ng bala sa tiyan ang driver na si Agapito Quizon sa naganap na ambush sa Barangay Magtaking sa San Carlos City, Pangasinan kung saan dead on the spot ang isa sa bodyguards ni Espino na si PO3 Richard Esguerra.

Ayon kay Pangasinan police chief Redrico Maranan, nasawi si Quizon habang ginagamot sa Blessed Family Doctors General Hospital sa San Carlos City.

Naimaneho pa ni Quizon ang sasakyan ni Espino hanggang sa ospital na 150 metro ang layo sa pinangyarihan ng krimen kahit na nagtamo rin ito ng tama ng bala.

Nasa maayos na kalagayan na at nagpapagaling sa ospital sina Espino at iba pang masugatang bodyguards.

TAGS: Agapito Quizon, Blessed Family Doctors General Hospital sa San Carlos City., Driver ni dating Pangasinan governor Amado Espino Jr., pumanaw na, Agapito Quizon, Blessed Family Doctors General Hospital sa San Carlos City., Driver ni dating Pangasinan governor Amado Espino Jr., pumanaw na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.