Antas ng tubig sa Angat dam muling tumaas

Sumampa na sa mahigit 185 meters ang water level sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrometeorology Division, tumaas ang water level ng Angat dam na umabot na sa 185.42 meters ngayong alas-6 ng umaga ng Biyernes (September 13) mas mataas sa 185.12 meters kahapon.

Tumaas din ang water level ng La Mesa dam na nasa 77.56 meters ngayong alas-6 ng umaga mas mataas sa 77.46 meters kahapon.

Samantala, nadagdagan din ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dams.

Nabawasan naman ang water level ng Ipo, Ambuklao at Kaliraya dams.

Read more...