Nasa 50 katao patay sa pagdiskaril ng Train sa DR Congo

Hindi bababa sa 50 katao ang pinangangambahang nasawi habang 23 katao ang nasugatan matapos madiskaril ang isang tren sa southeast Tanganyika province, Democratic Republic of Congo, araw ng Huwebes.

Ang death toll ay inanunsyo ng Ministry of Humanitarian Action and National Solidarity ng naturang bansa.

Ayon sa isang opisyal, posibleng tumaas pa ang bilang nasawi dahil marami pa ang nasa ilalim ng tren at kailangang mailigtas.

Patuloy ang rescue operations ng gobyerno sa pinangyarihan ng insidente.

Ayon kay Victor Umba, union head ng national rail company na SNCC, patungong bayan ng Niemba mula sa bayan ng Nyunzu ang tren nang madiskaril.

Hindi pa alam ang sanhi ng aksidente ngunit kadalasan ang derailments sa Congo dahil sa mababang kalidad ng railways.

Read more...