Nakatakdang bumili ang Philippine National Police ng mga M4-type platform basic assault rifles ngayon taon bagamat ito ay bahagi pa ng kanilang annual procurement plans para sa mga taon 2014 at 2015.
Paglilinaw ni Police Director Juanito Vaño Jr., ang director ng PNP Directorate for Logistics na ang bibilhin nilang assault rifles ay mas
maigsi at magaan kumpara sa M-16 rifles, at ginagamit ngayon ng mga armed forces at law enforcement agencies ng ibat ibang bansa.
Dagdag pa nito, malaki ang pagkakaiba ng M-4 rifle sa M-14 infantry rifle na sinimulan gamitin noon pang 1960 na siyang nailathala sa isang daily broadsheet.
Nauna nang inihayag ni DILG Secretary Mel Senen Sarmiento ang pagbili ng mga bagong assault rifles para sa pambansang pulisya kapalit ng M-16 armalite rifles.