Bihirang full moon masasaksihan ngayong Friday the 13th

By Rhommel Balasbas September 13, 2019 - 05:15 AM

Masasaksihan ang isang full moon sa kalangitan ngayong Friday the 13th matapos ang halos 20 taon.

Huling nagkaroon ng full moon kasabay ng Friday the 13th noong October 13, 2000.

Ang buwan mamayang gabi ay isang ‘micromoon’ o mas maliit sa ordinaryong full moon.

Ayon sa astronomers, ito ay dahil nasa ‘apogee’ ang buwan mamaya o nasa pinakamalayo nitong distansya sa elliptical orbit nito sa mundo.

Ayon kay Patrick Hartigan, astrophysicist sa Rice University sa Houston, mas maliit lamang nang kaunti ang full moon mamaya at 13 percent ding mas madilim kumpara sa ordinaryong full moon.

Hindi naman umano ito gaano mapapansin ng publiko.

Samantala, ang September full moon mamaya ay tinatawag na ‘full harvest moon’ sa Northern Hemisphere dahil nagaganap ito malapit sa peak ng fall harvest season.

Sinasabing nakatutulong ang liwanag ng buwan na ito sa mga magsasaka na nagtatrabaho sa gabi.

TAGS: Friday the 13th, full harvest moon, full moon, micromoon, Friday the 13th, full harvest moon, full moon, micromoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.