6 arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City

Timbog ang anim katao sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City.

Sa Brgy. Pansol, naaresto ng QCPD Station 8 ang isang dating police asset at tatlo nitong kasamahan.

Ayon kay Baranggay Kapitan Jojo Manhusay, nakulong na dati dahil sa pangnanakaw ang target ng operasyon na si alyas ‘Jun’.

Ang tatlo niyang kasamahan kabilang ang isang mag-live in partner ay dati na ring nakulong dahil sa paggamit ng iligal na droga.

Nakuha mula sa mga suspek ang pitong plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Sa buy-bust operation naman ng QCPD Station 7 sa Brgy. San Martin de Porres, timbog ang isang electrician at isang construction worker.

Aminado ang target ng operasyon na nakilala sa alyas na “Manuel’ na nagtutulak siya ng droga para ipakain sa pamilya.

Parokyano ng suspek ang mga tricycle drivers sa lugar para manatiling gising sa pamamasada.

Timbog din ang kanyang kasamahan na nakilala sa alyas na ‘John Lloyd’.

Nakuhaan ang mga suspek ng 10 sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon kay Cubao Police Station drug enforcement unit chief Pol. Capt. Ramon Acquiatan dati nang nasangkot ang mga suspek sa droga at illegal gambling.

Sasampahan ang mga nahuling suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...