2 Russian arestado sa lending anomaly sa Pasig

By Len Montaño September 13, 2019 - 04:54 AM

Inireklamo ng panloloko ang dalawang Russians dahil sa kunwaring pangungutang sa lending company sa Pasig City.

Nakuha sa mga suspek ang P90,000 na pera ng kumpanyang kanilang pinapasukan.

Bukod dito ay nakumpiska sa mga ito ang dalawang sachet ng umanoy shabu.

Modus ng dalawang Russians na nagtatrabaho rin sa isang lending company sa Legaspi Avenue na magprisinta ng mga pekeng dokumento.

Pilipino ang katrabaho ng naturang mga dayuhan at dahil kwestyunable ay sinuri ang mga isinusimiteng pekeng dokumento ng mga kunwaring mangungutang.

Nabatid na ibinubulsa ng dalawang Russians ang perang inilabas ng lending company.

Nakatakdang sampahan ng kasong falsification of documents at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: 2 Russians, falsification of documents, lending company, Pasig City, pekeng dokumento, sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, shabu, utang, 2 Russians, falsification of documents, lending company, Pasig City, pekeng dokumento, sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, shabu, utang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.