Ito ay makaraang makapasok ang premier university ng bansa sa Top 500 Universities of the World ng 2020 Times Higher Education (THE) World Rankings.
Mula sa 501st-600th ranking noong 2018 umangat pa ang UP patungong 401st-500th spot.
Una nang nakapasok ang pamantasan sa naturang listahan taong 2016 sa 800+ rank at umangat sa 601st-800th rank noong 2017.
Ibinase ang rankings sa 13 key indicators na sumusukat sa galing ng pamantasan sa ‘teaching’, ‘research’, ‘citations’, ‘international outlook’ at ‘industry income’.
Ngayong taon, gumanda ang iskor ng UP sa ‘teaching’ (mula 21.7 percent tungong 24.7 percent); ‘research’ (16.4 percent tungong 17.2 percent); ‘industry income’ (35.8 percent tungong 39.4 percent) at citations (69.1 percent tungong 86.9 percent).
Bumagsak naman ang iskor ng UP sa international outlook o ang bilang ng international collaboration, students at staff (mula 39.5 percent tungong 37.9 percent)
Pasok din sa ranking ang De La Salle University, pero pumuwesto ito sa 1001+ mula sa 801st-100th rank noong nakaraang taon.
Nananatili namang nangunguna ang University of Oxford ng United Kingdom sa listahan na hawak na ang pwesto sa loob ng apat na taon.