Joe Johnson pipirma ng kontrata sa Pistons

AP photo

Nakatakdang pumasok sa isang deal sa Detroit Pistons ang beteranong shooting guard na si Joe Johnson.

Para makapasok si Johnson ay iwi-waive ng Pistons ang kanilang forward na si Michael Beasley.

Balik-NBA ang 38 anyos na si Johnson kung saan ito huling naglaro sa Utah Jazz at Houston Rockets sa 2017-2018 season.

Bukod dito ay naglaro rin si Johnson sa iba pang koponan sa loob ng 16 years nito sa NBA.

Si Johnson ay mayroong average points na 16.0 kada laro sa mahigit 1,000 na laban nito sa liga.

Naitanghal itong 2019 MVP ng BIG3 league na lumalaban sa mga dating NBA players sa games na 3-on-3.

 

Read more...