Dianne Medina pumalag sa umanoy pagdura ng isang artista sa kanyang pinsan

Idinaan sa social media ni Dianne Medina ang kanyang sama ng loob matapos duraan ng isang artista ang kanyang pinsan na nasa showbiz na rin.

Sa kanyang post ay nag blind item si Dianne ukol sa umanoy “artista na nandura sa kapwa artista na wala naman sa script.”

Humiling ang aktres ng respeto at huwag daw ang kanyang pamilya.

Hindi tinukoy sa post na ang sangkot ay sina Maxine at kapwa beauty queen turned actress na si Kylie Verzosa.

Pero lumutang ang isyu ng umanoy away ng dalawa dahil nagkataong magkasama sila sa ABS-CBN teleserye na “Los Bastardos.”

Dahil sa sama ng loob ay ikunuwento umano ni Maxine ang pangyayari sa pinsan na si Dianne.

Sa kabila ng post ni Dianne ay walang kumpirmasyon mula kina Maxine at Kylie kung sila ang tinutukoy sa insidente.

Sinasabing nagsimula ang umanoy hidwaan ng dalawa noong si Maxine ang nanalong Miss Universe Philippine 2016 habang si Kylie ang Bb. Pilipinas-International at tuluyan nitong naiuwi ang korona bilang Miss International 2016.

 

Read more...