DOH, mamimigay ng libreng bakuna kontra dengue

 

Mamimigay ang Department of Health ng libreng bakuna kontra dengue umpisa sa buwan ng Marso.

Ayon kay Health Secretary Janet Garin, higit isang milyon o kabuuang 1.07 million (1,077,623) na mga kabataan mula sa mga pampublikong paaralan ang mabibigyan ng libreng bakuna kontra dengue.

Nabatid na isa ang Pilipinas sa mga lumahok sa dengue vaccine trial, pero tanging ang Pilipinas lamang ang bansa kung saan isinagawa ang tatlong yugto ng clinical trial.

Karamihan kasi sa mga researcher ng dengue vaccine ay mga Pilipino.

Inaprubahan ni Pangulong Aquino ang pamimigay ng bakuna sa mga kabataan sa NCR, Region 3 at Region 4-A na may mga mataas na kaso ng dengue.

Tinatayang kada araw, mayroong 220 kaso ng dengue ang tinatanggap sa mga ospital.

Noong Disyembre, inanunsyo ni Garin na inaprubahan na ng Food and Drugs Administration ang kauna-unahang bakuna laban sa Dengue na Dengvaxia.

Read more...