DA inutos ang ‘pagbaha’ ng murang NFA rice sa merkado

By Len Montaño September 13, 2019 - 02:40 AM

Inquirer file photo/Raffy Lerma

Inutos ng Department of Agriculture ang pagpapakalat ng 3.6 millon bags ng bigas ng National Food Authority (NFA) para bumaba sa P27 ang presyo ng kada kilo nito.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, inaprubahan ng NFA Council ang pagbaha ng NFA rice sa mga pamilihan para bumaba ang presyo ng bigas partikular ang commercial rice na nasa P40 kada kilo.

Partikular na inutos ni Dar kay NFA Administrator Judy Carol Dansal na ilabas na ang kanilang mga stocks simula araw ng Huwebes hanggang October 10.

Target ng DA at NFA na bumaba sa rasonableng presyo sa pagitan ng P32 at P34 ang kada kilo ng commercial rice sa palengke.

Kapag nabenta sa retail price na P27 per kilo, ang mabebentang 3.6 million bags ay magbibigay ng P4.86 billion na gagamitin naman ng NFA sa pagbili ng mga palay ng mga magsasaka.

Nais ng ahensya na tumaas sa P19 mula P17 ang bentahan ng palay ng local farmers.

Una nang nangako sa DA ang 31 provincial local government units na direktang bibili ng palay ng mga magsasaka sa kanilang lugar.

Makikipag-kasundo naman ang ahensya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na imbes na P600 cash ay bigas ang ibibigay sa mga beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

May opsyon ang DSWD na bumili sa mga lokal na pamahalaan o sa NFA para may tiyak na market ang mga magsasaka para sa kanilang produkto.

Ang hakbang ng gobyerno ay alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bilhin ang palay ng mga magsasaka matapos bumagsak sa P7 hanggang P10 ang bentahan na sinasabing epekto ng Rice Tariffication Law.

TAGS: Agriculture Secretary William Dar, Bigas, bumaba ang presyo, commercial rice, DA, magsasaka, nfa, NFA administrator Judy Carol Dansal, palay, rice tariffication law, Agriculture Secretary William Dar, Bigas, bumaba ang presyo, commercial rice, DA, magsasaka, nfa, NFA administrator Judy Carol Dansal, palay, rice tariffication law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.