Duterte nais ng gross taxation system para labanan ang korapsyon sa gobyerno
Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang isang gross income taxation system para sa computation ng corporate taxes upang mabawasan ang korapsyon sa gobyerno.
Sa kanyang talumpati sa Bataan Huwebes ng gabi, sinabi ng pangulo na ang pagpalit sa net income patungong gross income ay makakapigil sa korapsyon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Hindi nagbigay ng detalye ang pangulo tungkol sa kanyang panukala.
Gayunman, naniniwala si Duterte na kapag sinunod ang ganitong sistema tulad sa ibang bansa, 70 porsyento ng korapsyon sa gobyerno ang maiaalis.
“Gusto ninyong mahinto ang corruption? O ito, tanggalin natin ang neto [net icome] at pupunta tayo doon sa gross sa BIR. Pag ‘yan ang isunod natin kagaya ng Hong Kong, Singapore, Brunei, and the rest, you would have removed about 70 percent of the corruption,” ayon sa pangulo.
Ayon pa sa pangulo, kung ang gross income taxation system ang gagamitin sa computation ng corporate taxes ay hindi na kakailanganin pa ang tax examiners.
“I guarantee you, ‘pag pumunta tayo ng gross wala na examiner, wala ng deduction then they do not haggle for anything. ‘Pag nandiyan ‘yung resibo, ‘yan na ‘yun. Wala ng istorya,” dagdag ng pangulo.
Sinasabing nakikinabang ang tax examiners sa kasalukuyang sistema ng corporate tax collection.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.