Duterte: ‘Mamatay ako ‘pag walang babae’

By Len Montaño September 13, 2019 - 12:14 AM

INQUIRER FILE PHOTO/GRIG MONTEGRANDE

Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa siyang misogynist o taong galit sa mga kababaihan.

Katunayan ay iginiit ng pangulo na siya ay “lover of women” at mamamatay siya kapag walang babae sa kanyang buhay.

Muling nagbiro si Pangulong Duterte patungkol sa kababaihan sa talumpati nito sa Bataan araw ng Huwebes.

Tinanong ng pangulo ang mga babae sa audience kung nagsusuot ang mga ito ng bikini kapag pumupunta sa mga beach sa lalawigan.

Pero dumipensa si Duterte na hindi dahil siya ay isang misogynist kundi sadyang nagmamahal lamang umano siya ng babae at talagang mamamatay siya ng walang babae.

“Dito sa inyo may resort? May naliligo, naka-bikini bikini din sila? Kasi magpasyal ako. Not because I am a misogynist. I am just a lover of a woman. Mamatay ako ‘pag walang babae, sa totoo lang,” pahayag ng pangulo.

Ang pangulo ay “self-confessed womanizer” at ilang beses na itong binatikos dahil sa kanyang mga joke ukol sa mga isyu ng mga kababaihan.

 

TAGS: bikini, lover of women, mamatay ako ‘pag walang babae, misogynist, Rodrigo Duterte, self-confessed womanizer, bikini, lover of women, mamatay ako ‘pag walang babae, misogynist, Rodrigo Duterte, self-confessed womanizer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.